May Natutunan ba Ako sa Leksyon ng Aming Guro? Meron nga ba o Wala?

Mga Co-Pisay Isko !!! Magandang araw po sa inyong lahat at sa aking mga co-bloggers. Ito po ang aking natutunan sa aming talakayan sa Filipino 1 tungkol sa Pang-abay at sa aming tatalakayin pang mga leksyon sa susunod na mga araw, Wastong Paggamit ng mga Salita at Pang-angkop . Ang pang-abay ay salitang naglalarawan ng pandiwa , pang-uri at kapwa pang-abay . May 12 uri ito, at ito ang mga sumusunod: pamaraan , pamanahon , panlunan , panggaano , pang-agam , panang-ayon , pananggi , panulad , kundisyonal , kusatibo , benepaktibo , at pangkaukulan . Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos ng pandiwa. Ang pang-abay na panggaano ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Ang pang-abay na pa...