Nanay mo ba'y May Halaga sa Iyo?







Magandang araw ulit sa inyo mga ka-Pisay isko at sa mga tagasubaybay ng aking blog. Ngayon, ibang paksa na naman ang aking ibabahagi sa inyo. Ito ang paksa ng aking pangatlong blog, Ina.
Ang ating ina ang ilaw sa tahanan ng ating pamilya, ang isa sa mga taong dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo, ang taong sinakripisyong dalhin tayo sa kanilang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, ang taong inalagaan at minahal tayo mula nang iniluwal nila tayo sa mundong ito, ang taong nagdusa sa ating mga gawaing mali, ang taong tinutulungan tayo sa ating mga problema, at ang tao na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin tayo kahit marami na tayong nagawang mga kasalanan sa kanila.
Mula noong mga bata pa tayo, sila ang umalaga sa atin kapag tayo ay may sakit, ang isa sa mga taong una nating pinupuntahan kapag may problema, at ang taong sinasaluhan tayo sa ating mga tagumpay, ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay sila lamang ang dapay tutulong sa atin. Minsan kasi, tinutulungan nila tayo kahit may mas malubhang problema silang dinadala. Kaya may mga pagkakataon na hindi sila nakakatulong sa atin ,pero dahil mga bata pa tayo, iniisip natin na hindi na nila tayo mahal dahil lang hindi nila tayo tinulungan sa ating problema.

Lahat naman yata ng tao sa mundo ay naranasan na mahalin ng kanilang ina, pero ang iba ay tinangging mahal sila dahil sa mga rasong iniwan na sila, hindi na sila inaaruga, o hindi ba kaya’y may ibang pamilya na ang kanilang ina. Ngunit hindi naman yata dahilan na dahil iniwan ka na ng ina mo ay hindi ka na niya mahal. Ang iba kasi ay iniwan lang nila ang kanilang pamilya dahil siguro medyo kulang sa pag-iintindihan sa isa’t isa ang mga miyembro ng pamilya, pero mahal ka pa rin nila dahil kung hindi ka nila mahal, bakit ka nila inalagaan sa loob ng siyam na buwan? (what’s the logic?)
Sa pangkalahatan, ang ina ay ang kaagapay natin sa ating paglaki dahil sila ang silbing gabay natin tungo sa ating kinabukasan. Kaya ngayon, may tanong ako sa inyo, mahal niyo na ang nanay ninyo?
Salamat sa pagsubaybay sa aking blog. Marami pa akong paksa/mga paksa na ibabahagi sa inyo sa susunod kong post. Hanggang sa muli, mga kaibigan !!!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

May Natutunan ba Ako sa Leksyon ng Aming Guro? Meron nga ba o Wala?

Pagkakaibigan: Ang Bagong Henerasyon