Pagkakaibigan: Ang Bagong Henerasyon



          Hello ulit mga ka-Pisay Isko at sa mga tagasubaybay ng aking blog. Ngayon,  may ibabahagi na naman akong paksa sa inyo. Ang aking itatalakay na paksa ay tungkol sa “Pagkakaibigan”.


Mukhang lahat siguro ng mga tao ngayon ay kailangan na ng kaibigan. Mga kaibigang maaasahan at masasandalan sa anumang problemang haharapin. Mga kaibigang iintindihin ka sa anumang mga bagay na iyong ibabahagi sa kanila. Kaya ngayon, ano nga ba ang pagkakaibigan?


Ang pagkakaibigan, para sa akin, ay ‘yung nakakaroon ka ng maraming mga kaibigan at ituturing mo silang, sabihin nalang nating, parang isang pamilya dahil kayo ay magkaibigan; kayo ay nagtutulungan bilang magkaibigan.

Ang iba ay mapili sa kakaibiganin niyang tao. Ang iba’y mapili sa ugali. Unang-una diyan ay kung mabait ba ang isang  tao, hindi ba bulakbol, marunong bang rumespeto sa kapwa, matulungin ba, o kikilalanin ka rin bang niya bilang isang kaibigan. Ang iba ay mapili naman base sa istatus mo sa lipunan. Pinipili nila ‘yung mga taong mayayaman, ‘yung mga taong may kaya lamang sa buhay. Mapili din sila base sa pisikal na kaanyuan ng isang tao, kung gwapo ba, maganda, mataba, mapayat, may kapansanan man o wala. Ang iba naman ay basta-basta nalang kumakaibigan, basta’t maraming kaibigan ay okay na sa kanila.

Ngunit hindi naman yata lahat ng mga tao ngayon ay mababait na kaibigan. May mga taong kakaibiganin ka lang dahil may kailangan sa iyo, tulad ng pera. Sabi pa nga ng iba, eh sila daw ‘yung mga taong “D’yanMayKel”, na ibig sabihin ay “NanD’YAN lang ‘pag MAY KELangan”. Sila din ‘yung mga taong umaasa lang sa iba para makuha nila ang kanilang gusto, gaya nga ng sinabi ko kanina, pera o iba pang mga bagay.

Minsan din sa pagkakaibigan, may mga tao talagang mapanghusga kung ano nga ba ang relasyon mo sa iyong kaibigan, lalo na kapag kayo ay hindi magkapareho ng kasarian, kung kayo ay magkaibigan lang o nagkaka-ibigan na kayo sa isa’t isa. Kahit nga kayo ay matalik na magkaibigan lang ay hinuhusgahan na kaagad kayo na iniibig niyo ang isa’t isa.
Sa pangkalahatan, ang pagkakaibigan ay isa sa mga importanteng bagay sa mundo. Lahat naman yata ng mga tao ay may kaibigan na, eh dapat ay alam niyo na kung ano ang importansya nito sa buhay ninyo, ‘di ba?o nagbago na nga ba ang paraan ng pakikipagkaibigan ngayong henerasyon?
Salamat sa pagsusubaybay sa aking blog. Marami pa akong mga paksang ibabahagi sa susunod na mga linggo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

May Natutunan ba Ako sa Leksyon ng Aming Guro? Meron nga ba o Wala?

Nanay mo ba'y May Halaga sa Iyo?