Mga Post

Sino nga ba ako? Alam ko ba talaga kung sino ako?

Imahe
Maligayang araw sa aking mga ka-Pisay iskolar at sa mga taong sumusubaybay sa aking blog. Sa lahat ng aking mga ibinahaging mga paksa sa blog na ito, Wastong Paggamit ng Salita at Pang-angkop, Pagkakaibigan, at Ina, ay ang huling paksa na ibabahagi ko sa inyo ang aking pinakapaborito. Hindi ko pa naranasan na ibahagi ko ang paksang ito sa publiko ngunit gusto ko lang na malaman ninyo kung ano ang tingin ninyo sa paksang itatalakay ko. Sana ay magustuhan niyo ito. Ako ang taong may taglay sa aking sarili, sa pisikal kong kaanyuan at sa sarili kong buhay. Ako ay ipinanganak ng aking ina sa ospital noong ika-8 ng Marso 2005. Ako ang bunsong anak ng aking mga magulang. May isang nakatatandang kapatid ako na ngayon ay nag-aaral sa kolehiyo. Tanging ang ating sarili lamang ang may kakayahang kontrolin ang ating sarili. Kahit sino pa mang tao ang huhusga kung sino tayo ay wala pa rin silang kakayahang kontrolin tayo. Ngunit nasa sa atin ang desisyon kung tatangapin ba natin ang k...

Nanay mo ba'y May Halaga sa Iyo?

Imahe
Magandang araw ulit sa inyo mga ka-Pisay isko at sa mga tagasubaybay ng aking blog. Ngayon, ibang paksa na naman ang aking ibabahagi sa inyo. Ito ang paksa ng aking pangatlong blog, Ina. Ang ating ina ang ilaw sa tahanan ng ating pamilya, ang isa sa mga taong dahilan kung bakit tayo nandito sa mundo, ang taong sinakripisyong dalhin tayo sa kanilang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, ang taong inalagaan at minahal tayo mula nang iniluwal nila tayo sa mundong ito, ang taong nagdusa sa ating mga gawaing mali, ang taong tinutulungan tayo sa ating mga problema, at ang tao na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin tayo kahit marami na tayong nagawang mga kasalanan sa kanila. Mula noong mga bata pa tayo, sila ang umalaga sa atin kapag tayo ay may sakit, ang isa sa mga taong una nating pinupuntahan kapag may problema, at ang taong sinasaluhan tayo sa ating mga tagumpay, ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay sila lamang ang dapay tutulong sa atin. Minsan kasi, tinu...

Pagkakaibigan: Ang Bagong Henerasyon

Imahe
           Hello ulit mga ka-Pisay Isko at sa mga tagasubaybay ng aking blog. Ngayon,  may ibabahagi na naman akong paksa sa inyo. Ang aking itatalakay na paksa ay tungkol sa “Pagkakaibigan”. Mukhang lahat siguro ng mga tao ngayon ay kailangan na ng kaibigan. Mga kaibigang maaasahan at masasandalan sa anumang problemang haharapin. Mga kaibigang iintindihin ka sa anumang mga bagay na iyong ibabahagi sa kanila. Kaya ngayon, ano nga ba ang pagkakaibigan? Ang pagkakaibigan, para sa akin, ay ‘yung nakakaroon ka ng maraming mga kaibigan at ituturing mo silang, sabihin nalang nating, parang isang pamilya dahil kayo ay magkaibigan; kayo ay nagtutulungan bilang magkaibigan. Ang iba ay mapili sa kakaibiganin niyang tao. Ang iba’y mapili sa ugali. Unang-una diyan ay kung mabait ba ang isang   tao, hindi ba bulakbol, marunong bang rumespeto sa kapwa, matulungin ba, o kikilalanin ka rin bang niya bilang isang kaibigan. Ang iba ay mapil...

May Natutunan ba Ako sa Leksyon ng Aming Guro? Meron nga ba o Wala?

Imahe
Mga Co-Pisay Isko !!! Magandang araw po sa inyong lahat at sa aking mga co-bloggers. Ito po ang aking natutunan sa aming talakayan sa Filipino 1 tungkol sa Pang-abay at sa aming tatalakayin pang mga leksyon sa susunod na mga araw, Wastong Paggamit ng mga Salita at Pang-angkop . Ang pang-abay ay salitang naglalarawan ng pandiwa , pang-uri at kapwa pang-abay . May 12 uri ito, at ito ang mga sumusunod: pamaraan , pamanahon , panlunan , panggaano , pang-agam , panang-ayon , pananggi , panulad , kundisyonal , kusatibo , benepaktibo , at pangkaukulan . Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos ng pandiwa. Ang pang-abay na panggaano ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Ang pang-abay na pa...