Maligayang
araw sa aking mga ka-Pisay iskolar at sa mga taong sumusubaybay sa aking blog.
Sa lahat ng aking mga ibinahaging mga paksa sa blog na ito, Wastong Paggamit ng
Salita at Pang-angkop, Pagkakaibigan, at Ina, ay ang huling paksa na ibabahagi
ko sa inyo ang aking pinakapaborito. Hindi ko pa naranasan na ibahagi ko ang
paksang ito sa publiko ngunit gusto ko lang na malaman ninyo kung ano ang
tingin ninyo sa paksang itatalakay ko. Sana ay magustuhan niyo ito.
Ako
ang taong may taglay sa aking sarili, sa pisikal kong kaanyuan at sa sarili
kong buhay. Ako ay ipinanganak ng aking ina sa ospital noong ika-8 ng Marso
2005. Ako ang bunsong anak ng aking mga magulang. May isang nakatatandang
kapatid ako na ngayon ay nag-aaral sa kolehiyo.
Tanging
ang ating sarili lamang ang may kakayahang kontrolin ang ating sarili. Kahit
sino pa mang tao ang huhusga kung sino tayo ay wala pa rin silang kakayahang
kontrolin tayo. Ngunit nasa sa atin ang desisyon kung tatangapin ba natin ang
kanilang mga opinion o mungkahi tungkol sa ating sarili. Pwede natin sila
maging inspirasyon sa buhay ngunit hindi nila kailanman makokontrol ang ating
sarili.
Lahat
tayo ay iba-iba ang pagtingin sa ating sarili, ngunit hindi naman maganda kung
tayo mismo ang unang huhusga sa ating sarili. Oo, tayo lamang ang may kakayahan
na kontrolin ang ating sarili ngunit kailangan din nating tanggapin ang opinyon
ng iba upang malaman natin kung ano ang mga mali na ating nagawa at kung ano pa
ang mga bagay na dapat pa nating mapabuti. Kahit ako ay nagagalit kung may
naririnig akong mga negatibong opinyon tungkol sa aking sarili, ngunit
kailangan ko ring tanggapin ang katotohanan na ako ay nagkasala dahil hindi ko
alam kung ano ang naramdaman ng isang tao sa panahon na may magawa akong mali.
“Oo,
aaminin ko, ibang-iba ang pagtingin ko sa aking sarili. Ako ay isang taong
walang alam sa lahat ng bagay at taong walang saysay sa mundong ito. Hindi ko
alam kung bakit pa ako binuhay sa mundong ito ngunit kailangan kong tanggapin
ang buhay na ibinigay sa akin.”
Iyon
ang mga bagay na iniisip ko tungkol sa aking sarili noon. Ngunit dahil sa aking
mga pinagkakatiwalaang mga kaibigan at sa mga nagmamahal kong pamilya ay
nagbago ang lahat ng iyon. Ngayon ko lang naintindihan na kailangan ko maging
positibo sa lahat ng bagay tungkol sa aking sarili. Importante ito dahil ito
ang isa sa mga bagay nga kailangan kong isipin sa lahat ng pagkakataon upang
malagpasan ang mga pagsubok sa buhay.
Sana
ay makatutulong ito sa inyo sa araw-araw na pakikisalamuha ninyo sa iba-ibang
tao. Sana ay maging gabay ito upang maging positibo tayo palagi sa ating
sarili. Salamat sa lahat ng taong sumubaybay sa aking blog. Sana ay nagustuhan
niyo ang huling paksang itinalakay ko sa aking blog.
Maraming
salamat po !!!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento